fbpx
July 20, 2019 PATRICK SOBREVIGA – EASYHEAR MAKES MY LIFE COMPLETE

PATRICK SOBREVIGA – EASYHEAR MAKES MY LIFE COMPLETE

Ako po si Patrick Sobreviga, 30 years old. Nung Grade Six ako year 1989, pumunta kami ng PGH, nag pa tingin sa isang Ophthalmologist at ang sabi meron daw akong Retinitis Pigmentosa na pwede kong ika bulag.

Habang tumatagal unti unting humihina yung paningin ko kasabay ng pag hina ng pandinig ko. Pumasok ako sa isang regular school doon naranasan ko na ma bully, nung una hindi ko naiintindihan bakit nila ko tinatawag na bulag, bingi at bulol hanggang sa mag college, dun ko naramdaman yung discrimination hanggang sa makatapos ako. Year 2010 nabulag ako, di ko na ma identify yung paligid ko, nahihirapan na ko. Ganun din yung pandinig ko nahihirapan na ko.

Ngayon 4 years na akong nag tatrabaho sa isang massage clinic, bilang isang certified massage therapist. May mga time na nawawalan na ako ng pag-asa, pero yun isang araw parang may tumulak sakin sabi ni Lord pumunta ako ng DSWD taytay at dun ko nakilala ko yung isang tao na nakapag pabago sakin at nakapag palakas sakin.

Si Ma’am Carmen Zubiaga siya ay isang Executive Director ng National Council for Disability Affairs. Sila ang tumulong saakin para magkaroon ako ng EasyHear hearing device. Nag papasalamat ako sa NuGen Hearing Devices Inc. na tumulong sakin para makarinig ako, at maintindihan ko yung paligid ko, Malaking tulong sakin tong high quality hearing device sa pang araw araw na buhay ko, lalo na sa pag mamasahe mas naiintindihan ko na yung sinasabi ng client ko. Maraming salamat kasi talagang naramdaman ko na parang naging kumpleto ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published.